Showing posts with label SeptemBlog 2020. Show all posts
Showing posts with label SeptemBlog 2020. Show all posts

Naririnig mo ba? 


Ipikit mo ang iyong mga mata at makinig ka sa dalisay na simoy ng hangin. 


Tila ba nakauwi na kong muli sa bayan kong Bulacan... Tila ba nasa tumana ako kasama ng aking mga kalaro at nag aabang sa babagsak na mangga... Tila ba paslit akong muli. 


Subalit tayo'y nasa syudad, sa magarbong Maynila, sa tahanan ng mga nagtataasang mga gusali at nag-gagandahang mga imprastraktura. Isa pa, hindi na tayo mga paslit. Tayo'y may mga isip na at nakakaintindi na ng mga nangyayari sa ating paligid. Alam na natin ang tama sa mali. Alam na natin ang dapat at hindi dapat gawin. Kaya na nating tumayo sa sarili nating mga paa at magdesisyon para sa ating mga sarili.


Yun ang akala ko. 


Limang buwan na ang nakararaan mula ng tumigil ang ating mundo. Ipinagbawal na lumabas ng mga tahanan kung hindi naman kailangan. Hindi na tayo pwedeng bumeso sa mga kaibigang nakakasalubong sa daan. Pigil na pigil ang mga taong pwedeng pumunta sa mga paborito nating mga tambayan. Ang pinakamasakit, tila ba lahat ng nakakasalamuha mo ay mga estranghero na hindi mo mamukhaan dahil sa mga takip natin sa mukha. Wala na tayong makitang mga ngiti. Wala na tayong marinig na mga masasayang kwentuhan sa mga restawran. Wala na ang mga patay sinding ilaw na nagliliwanag sa mga buhay panggabi. 


Biglang naubos ang tao sa liwasan. Bihira ang mga kotse sa EDSA. Bawat kanto ay mga nakabantay na sinisipat kung dapat ka bang nasa labas. Alam na ng lahat ang tunay mong pangalan at tirahan sapagkat kailangan ng cedula na nakasabit sa ating mga leeg. Sabi nila, para raw ito sa ating kaligtasan pero bakit natatakot pa rin ako na may mga taong nakakakilala sa akin na hindi ko pinagkatiwalaan ng aking impormasyon? 


Sa pagtigil ng ating mundo ay tumila rin ang pinagkakabuhayan ng karamihan sa atin. Maswerte ang iba na pinauwi lamang ng kumpanya at binigyan ng pagkakataong magtrabaho sa bahay. Maswerte ang iba na maaaring umuwi sa kanilang mga probinsya at malayo sa bagsik ng sakit na ito. Pero paano ang mga kapwa nating nawalan ng pagseserbisyuhan? Paano ang mga walang ipon? Paano ang mga walang ibang alam kung hindi magkalakal sa lansangan? 


Limang buwan na ang nakakaraan mula ng magkaroon ng pandaigdigang pandemya. Hindi lang Maynila, hindi lang Pilipinas kung hindi lahat ng bansa ay apektado. Hindi na kailangang magturuan kung sino ang nauna o kung sino ang pasimuno. Hindi na mahalaga kung ---


Hayan na ulit ang malamig na amihan. 


Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo, kung bakit ko sinasabi to. Ang alam ko lang sa ngayon ay higit na nakasalalay sa atin, tayong bagong henerasyon, ang kinabukasan ng ating mundo. Sa gitna ng isang pandaigdigang pandemya na tila ba ginagawa tayong mga preso sa sarili nating tahanan, tayo ay may kapangyarihan ng makabagong teknolohiya. Tayo ang makakaalam kung paano susulong pataas. Tayo ang makakapuna ng mga tama at mga mali na ginagawa ng ating kapwa. Tayo ang magiging pangunahing alay sa pagsagupa sa panibagong pang araw araw na gawain. Tayong kabataan ang makapagbibigay ng tamang impormasyon sa mga nangangailangan nito. 


Katulad ng mga nakaraang henerasyon, tayo ang mag uugnay sa nakaraan at hinaharap ng ating bayan. Sa atin nakasalalay kung ang nakaraan ng magulo at maduming syudad ay dadalhin natin sa hinaharap. Alam nating may hangganan ang pandemyang ito. Darating ang araw na luluwag rin ang mga tanikala ng takot at hindi na muling kailangan ang ibayong pag iingat. Babalik rin sa nakagawian ang lahat, o di kaya'y magiging pangkaraniwan na lamang ang nangyayari ngayon. 


Sa loob ng limang buwan na pananatali sa aking munting tahanan ay mas nakilala ko ang aking sarili at mga pangangailan. Mas naintindihan ko ang pasikot sikot ng aking isipan. Mas napag-alaman ko rin ang saloobin ng aking mga kaibigan.  Mas nagkaroon ako ng oras na makinig sa haka-haka at katunayan ng ating kapwa.  Mas nabigyang pansin ko ang estado ng ating Inang Bayan. Mas nagkaroon ako ng pakielam. 


Nasa sa atin ang desisyon. Ako? Matagal na akong nakapagdesisyon. 


Ikaw na lamang ang aking hinihintay. 





Yes, you read that right! 


My Facebook group FINALLY launched today! 


After months of deliberation and preparation, I set the group to "Visible" and crossed my fingers during my livestream announcement. 11 people surprisingly joined, and as a thank you, I picked 3 people and sent them P50 GCash each (click here to read why I only use GCash).  


But aside from giving away GCash, what and why did I create my own Facebook group? Why add another social media "account" to my ever growing list of handles? 


Well, the answer is simple. As early (or as late, depends on how you see it), I want to be able to create my own community. I want to have a "home" for all my readers, followers, and viewers, somewhere that can expect me to be 100% present and without pretensions. I mean, let's be real, I do try and have a consistent image on my social media profiles. I want my social media profiles as cohesive as possible and easy to navigate both for the brands and my audience. On my Facebook group, which I have named "Cyphr Central <3", I feel like I can be all over the place if I wanted too -- so long as I fulfill my promises and exceed the expectations that I have set upon joining the group. 


Yes, the name is Cyphr Central <3, and you can join right this very moment (Password: Blog Launch)! At first I wanted it named like those beautiful Facebook groups that I am part of, namely Owning Your Ambition by Kiley Baker, The Skinny Confidential by Lauren, Professional Bloggers Group by Kathy Ngo, SocietyGal, and Boss Girl Bloggers to name a few. The original name was "She Who Dares, Wins! Your top resource for online success" but that felt too pretentious. I also don't think I'll be able to provide "top resources for online success" when I don't even understand it myself! So, I decided to go with something a little more close to home, Cyphr Central <3. For me, it speaks clearly of what you can expect from this group. 


Speaking of expectations, here are my plans for the group: 


- Daily posts to brighten your day and motivate you

- Regular and dedicated content curated for you

- Monthly giveaways, contests, and events (if possible)

- Member of the Month

- For our content creator members, Channel of the Month and/or Blog of the Month

- Early access to freebies, events, and announcements;

- and of course, a welcoming group that will always be ready to listen to what you have to say. You can ask any question, share every achievement, and of course, meet new friends in the digital space!


I know it's a tall order, but I am so excited and so pumped for this! 

Feel free to join here: https://www.facebook.com/groups/czyphrcentral